Youth, Transport Workers
Nagsimula mamasada ang tatay ko noong ako’y 1 year old. Ang aking “playground” ay ang upuan ng konduktor sa jeep, inaalalayan ang tatay ko habang binabaybay niya mula FTI papuntang Pasay.
Baon ko sa puso ko ang dalawang dekadang pamamasada ni Dada. Ang kasipagan niya ang patunay na hindi katamaran ang ugat ng kahirapan, ngunit isang sistema na mapang-api sa mga maralitang sumusubok at nagsisikap.
Tayong kabataan ay ipinanganak at lumaki sa ganitong sistema. Ngunit kahit hindi makatarungan ang mundong minana natin, kaya nating sama-samang ibuhos ang sarili para mabago ito. Ito ang hamon sa henerasyon natin: bumuo tayo at mag-iwan ng isang Pilipinas na mas makatarungan kaysa sa lipunang dinatnan natin -- isang lipunan na ikararangal nating ipamana.
Sabihan niyo lang ako sa hyabendana@gmail.com.
Sama-sama tayo!