Ernie Cruz

Transport Workers

Bilang isang jeepney driver, kami ang pinaka-apektado ng mga repormang gustong isulong para sa transportastyon. Nakikiisa kami sa mas malinis na kalikasan. Gusto rin naming mabuhay sa isang mundo na may pagkakapantay-pantay anuman ang iyong kasarian at sa isang mundong may mabigat na respeto sa dignidad at pagsisikap ng ating mga manggagawa. Isa lang naman ang aming panawagan: magkaroon ng just transition para sa aming mga manggagawa. Gusto pa rin naming maghanapbuhay. Gusto pa rin naming magkaroon ng kakainin sa araw-araw. Gusto pa rin naming matupad ang mga pangarap ng aming pamilya

Nangangarap ako ng isang sistema kung saan ang ating mga manggagawa ang nasa sentro ng usapin ng kahit anong reporma tungkol sa aming sektor.

Nangangarap ako ng isang sistema na kasama kami sa pag-unlad ng bansa.

Nangangarap ako ng isang sistema kung saan pinahahalagahan ang dugo at pawis ng ating mga manggagawa.

Kasama ng iba’t ibang mga sektor, narito ako sa Move As One para patuloy na ipaglaban ang mga pangarap na ito.

Other MAO Advocates

Keisha Mayuga

Cyclists

Josua Mata

Labor

Toix Cerna

Commuters

Maureen Mata

Persons with Disabilities

Stay updated